Tuesday, December 28, 2004

SiMplEng Buhay

Bakit kaya nung bata ako, AnG simPle Lang Ng BuhAY:

GigiSing sa Umaga, Kakain ng AGAhan, MaNunUod ng SeSamE streET,

PaG di NakuntEnTo, PaTI batibot, PopEye, CareBears, Shaider, BiOmaN,

AsTRoBoy, VolTez FiVE, LoOney Tunes, at pati pEn-pEn dE Sarapen Pinapanuod..

Sa TangHali, kaKaIn Ulet (buti di ako Mahirap pAkainin)..

Tapos NuN, ay syeSTa na.

BakIT ba AnG mga BaTA ayaw na NatuTulog?

KuNG aLaM ko LAng NA gaNITo ang HiRAP ng PagIGIng ADuLT,

SiGURo NatULOg na AKo buOng ArAW nung BatA ako

Sa HaliP na NAgTulugtulUGAn at NAghilik-Hilikan..

(TaKE note:mASTERED ko ata yan, mAy paTirIk-Tirik Pa Ng Mata)

At TapOS magSyesta, Mag-AAbang ng pisbol sa tapat Ng Bahay

o kAYA ng SweET CoRN o BinATOg

HabANG nakikIpaglarO ng hARangang-Taga, pePsi-7-up, TaGUan, Moro-moro

TumBang PresO, Sipa, ToUCH Ball, FoOTball, Touch D ColOR,

MonkEY - MOnkEY, CHiNEse GarteR (whiCH i never PLayed) at kung Ano Pa..

TapoS nun, UuWi sa BaHAy, MagMAmaNO kAy MaMa at Papa

at MagNoNoVEna tuwiNG 6 PM

HabaNG tuMatagal, naGigIng kumPlikado na aNG buhaY

PagDAting ng HigHschOOl, BuoNG arAW na ang klaSE

WalA nanG panAHoN sa LaRO. Pag WeeKEnds na lang.

Lalo nAMan ng CollEge. HalOS di Ko na NakiTa anG dati KoNG mga Kalaro...

Kasi nAMan, yung iba sa kaniLA, may sarili nang mga pamilya...

Lumipas ang mga araw, ang mga buwan at mga taon...

Ang dating makulit na buhay ko ay makulit pa rin sa awa ng Diyos.

Pero marami nang nabago. Ang dating oras sa laro at tulog ay nawala.

Lahat ay napalitan ng mga bagay na ginagawa ng mga ADULTS.

Nagtatrabaho. Nagtatrabaho. At Nagtatrabaho.

Tulad ngayon. Nasa Office ako ngayon.

Dapat nga by now gumagawa na ako ng reports. Pero hindi.

Pwede ba huminto muna ang pormal kong buhay at ibalik sa dati kong nakagisnan?

Sana ang buhay ay simple lang. Kasi simple lang naman akong tao.

Gusto ko lang yung may makakain ako araw-araw,

gigising na kasama ang mga taong mahal ko,

makita ang paglitaw at paglubog ng araw,

maamoy ang malamig at preskong simoy ng hangin

gumawa ng tula at mga kanta,

at matulog ng mataimtim at tahimik.



4 Comments:

Blogger karlaredor said...

"Tapos NuN, ay syeSTa na.BakIT ba AnG mga BaTA ayaw na NatuTulog? KuNG aLaM ko LAng NA gaNITo ang HiRAP ng PagIGIng ADuLT,SiGURo NatULOg na AKo buOng ArAW nung BatA ako Sa HaliP na NAgTulugtulUGAn at NAghilik-Hilikan..(TaKE note:mASTERED ko ata yan, mAy paTirIk-Tirik Pa Ng Mata)"

hehe.. ayus yung patirik tirik pa ng mata. hahaha

can relate ako dito sa quote na ito. di rin ako mahilig matulog nong bata ako eh. Kung kelan naman tumanda doon nahilig sa siesta.. hehe

7:03 PM  
Blogger stargazer said...

Ang sarap talaga ng simpleng buhay. Pangarap ko rin yan, na sana ang magiging buhay ko will be as simple as waking in the morning beside the one I love, being with the one I love all day, and falling alseep in my beloved's arms. Utopian dream.

7:03 PM  
Blogger Gorgeous said...

karla, honga eh. kenis noh, ngayon gusto mo matulog, di ka makatulog.

kass,ang sarap talaga noh? yung simple life...

7:46 PM  
Blogger Summer Fire said...

sana nga eh simple lang ang lahat ng bagay sa buhay natin.

1:20 AM  

Post a Comment

<< Home